BALIK-trabaho ang Reality Entertainment producer na si Dondon Monteverde at ang production company ni Dingdong Dantes, na nagsanib-puwersa sa dalawang Aswang Chronicles movies ng aktor.

Dingdong copy

Nag-post si Dondon ng picture nila ni Dingdong, kasama ang kapwa Reality Entertainment producer na si Direk Erik Matti.

“So delighted and at the same time excited to working together again soon @dongdantes @realityentertainment and Agostodos with @erikmatti,” caption ni Dondon.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Magandang balita ito, dahil ibig sabihin, tuloy na uli ang collaboration ng Reality Entertainment at Agosto Dos Productions ni Dingdong. Matatandaang nagkaroon ng isyu si Dingdong at ang team nina Dondon at Direk Erik, dahil ‘yung project na gagawin nila ay ibinigay ng Reality sa ibang aktor.

Nangyari ‘yun pagkatapos ng dalawang hit collaboration nila sa Tiktik: The Aswang Chronicles at Kubot: The Aswang Chronicles 2, na parehong pinagbidahan ni Dingdong.

May mga gagawin pa sana ang dalawang productions, pero dahil nagka-isyu nga sina Dingdong, Dondon, at Erik, hindi na natuloy ang mga plano nila.

Pero, nakapag-usap na nga ang magkabilang kampo at tuloy na uli ang collaboration nila. Isa yata sa co-production venture ng Agosto Dos Productions ni Dingdong ang mga pelikulang gagawin niya this year, batay sa naging interview namin sa kanya kamakailan sa taping ng Cain at Abel.

Matatapos na ang Cain at Abel, kaya may time na si Dingdong na gumawa ng pelikula. Nabanggit niyang may apat na script siyang binabasa at excited niyang gawin, dahil sa script pa lang, maganda na.

Anyway, in-assure ni Dingdong ang mga sumusubaybay sa Cain at Abel na hindi sila madi-disappoint sa mga susunod na episodes ng action/drama series nila ni Dennis Trillo, dahil malalaking eksena ang mapapanood.

Tutukan din ang face-off nila ni Dennis sa serye, kung saan gumaganap silang magkapatid na hindi magkakilala.

-Nitz Miralles