TAPED ang Sunday PinaSaya last Sunday, February 3, kaya naman nagkaroon ng chance na mag-weekend sa Hong Kong ang ilang executives, staff at artista ng top-rating Sunday musical variety show.

Bianca

Napanood namin sa Instagram Story ni Rams David, executive producer ng show ang panonood nila ng Hong Kong Disneyland Paint the Night Parade last Saturday evening, February 2. Pumaparada na ang mga Disney characters sa kahabaan ng kalye, mayroong sa kalye nagpi-perform at mayroong sakay ng magagandang floats.

Nakita sa IG story nito na naroon si Bianca Umali (one of the mainstays ng SPS) na nanood ng parade at maya-maya lang nakita siyang umiiyak. Voice over ni Rams, “Ayan, Bianca si crying! Bianca, ayan na si Belle!” habang naka-focus si Bianca at nakangiting nagpapahid ng luha.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nag-message kami kay Rams at tinanong kung first time iyon ni Bianca sa Hong Kong.

Sagot ni Rams, “Yes, first time po niya sa Hong Kong Disneyland.”

No wonder na ganoon ang reaction ni Bianca. First time lamang pala niyang makapunta sa sinasabing “happiest place on earth”. Ang Hong Kong Disneyland ang pang-limang Disneyland sa buong mundo.

After ng parada, isinunod naman ang magagandang fireworks.

Anyways, back to work na si Bianca sa taping niya ng Sahaya, isa sa mga inaabangang bagong teleserye ng GMA Network, kasama ang ka-love team niyang si Miguel Tanfelix.

-Nora V. Calderon