HINDI na nanahimik si Mariel Padilla, asawa ni Robin Padilla, at nagpahayag ng opinyon tungkol sa kontrobersyal na biopic ni dating Philippine National Police (PNP) General Ronald dela Rosa, ang Bato: The General Ronald dela Rosa Story na pinagbibidahan ni Robin at showing sa mga sinehan ngayon.

Mariel at Gen. Ronaldo

“Ngayon naiintindihan ko na bakit tinanggap ng asawa ko ang pelikulang ‘BATO’ dahil tunay na kahanga-hanga ang buhay ni Bato. Mula sa bata na nagko-collect ng kanin baboy na nagsumikap, nanindigan, hindi naging pabigat sa mga magulang, nagabayan ng tama... at ngayon may biopic na na ang bida si Robin Padilla pa... at sa premiere night nito ang Presidente ng bansa nanduon. Wow!!! Ang layo ng narating. At lahat ‘yun nangyari dahil meron siyang puso at takot sa Diyos. Kung may kanta na Pusong Bato...ikaw naman BATO NA MAY PUSO!!! Hanga po ako sa inyo!!! Sana panuorin itong pelikulang ito ng mga Pilipino dahil bukod sa sobrang ganda, it is really inspiring. Sa lahat ng mga pulis sana po pagtuunan niyo ng oras. Ang galing talaga! “

Hindi lang si Mariel ang sumuporta kay Robin at sa premiere night ng pelikula dahil present din ang mother ni Robin, mga kapatid at ibang kapamilya. Pati mga kaibigan ng aktor ay dumating din, gayundin ang fans.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa kanila nagpapasalamat si Robin at maipagmamalaki pa nito na ang premier lang ng pelikula niya ang pinuntahan ng Pangulo.

-NITZ MIRALLES