PINAPURIHAN ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman ang mga opisyal na naglingkod sa ahensiya sa makalipas na mga taon.

ramirez

Sa kanyang talumpati para sa pagdiriwang ng ika-29 pagkakatatag ng PSC, sinabi ni Ramirez, na utang niya sa mga nakaraang administrasyon ang tagumpay na tinatamasa ng komisyon sa kasalukuyan.

Nagsilbi umanong inspirasyon para kay Ramirez ang pamumuno ng mga dating opisyales at board members ng PSC kung kaya dapat lamang silang kilalanin.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“What happened in the past three years, and the coming years, were ll inspired by them,” pahayag ni Ramirez. “ I thank all the past board for this,” aniya.

Ito ang ikatlong taon ng pamumuno ni Ramirez mula nang mare-appoint ng administrasyong Duterte.

Matapos ang kanyang panunungkulan noong 2009, sinundan siya ni Harry Angping bilang PSC chief kasunod ang datnig Olympian na si Eric Buhain.

Taong 2005 din nang huling maghost ang bansa sa SEA Games at sa panahong iyon bahagi ng PSC Board ang sports lider mula sa Davao City.

Sa loob ng tatlong taong panungungkulan, naging ktibo si Ramirez na ilapit ang sports sa mga kabataan, ayon na rin sa mandato ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinasigla ni Ramirez at ng kanyang apat na commissioner na sina Ramon Fernandez, Charles Maxey, Celia Kiram at Arnold Agustin ang grassroots sports program tulad ng Batang Pinoy, Philippine National Games, Children’s Games, Indigenous Peoples Games at PSC- Pacquiao boxing Cup.

At sa kanyang huling tatlong taon ng panunungkulan, siniguro ni Ramirez na mas maraming kabataan ang makikinabang sa larangan ng sports upang makahanap ng mga bagong talentong Pinoy na maaring maging kinatawan ng bansa sa mga international competions.

“We still have another three years to work. We will make sure that we are passing on a legacy kung sino man ang susunod na mamumuno sa PSC,” aniya.

-Annie Abad