LA H A T t a y o a y may dark side. Inamin ito ni Joross Gamboa pero hindi na nagbigay pa ng detalye sa guesting niya sa Tonight with Boy Abunda upang i-promote ang pelikulang TOL.
Nang makilala niya si Sarah Geronimo ay unti-unti niyang nakilala ang Diyos at he became a true Christian.
Hindi lamang siya naging good boy kundi naging faithful husband din sa kanyang asawa. Aniya, he puts God in the center of their lives.
Marami na ring nabago sa showbiz career ng aktor partikular sa kanyang acting. Malaki na ang in-improve nito. Pumayag na siyang maging kontrabida na ang advantage ay lalong magtatagal ang kanyang career tulad ng nangyayari sa career ng iniidolo niyang si Eddie Garcia.
Tungkol sa pagkakaroon ng awards, hindi siya nag-iilusyon na masusungkit ng karangalan dahil ang mahalaga ay aprubado sa mga manonood ang kanyang pagganap.
-REMY UMEREZ