“ALL my life, I’ve always dreamt of being a comedian!”

Arjo copy

Ito ang pag-amin ni Arjo Atayde.

“To be honest, ‘di ko alam kung paano ako napunta sa drama at action. Don’t get me wrong, I’m thankful, grateful, and blessed to have had the opportunity to do such roles.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“After 7 years of concentrating on being a villain in drama or action, who would have thought that my first lead role in a movie would be comedy? I tell you this, God has his ways of making your dreams come true. It might not be now but if you work enough for it, it will happen.

“Thank you again to Reality Entertainment @erikmatti @dondonmonteverde for actually making Biggie Chen (Buy Bust), and Lando (‘TOL) happen.

“Ladies and gentlemen this coming January 30, 2019, one of my dream roles is about to happen alongside @senorita_jessy , @opisyali.ketchup , and @joross_gamboa - had fun shooting with the 3 of you. One for the books! #TOL KAGULO TO! Directed by: @ mikopunch,” post ni Arjo sa kanyang Facebook a c c o u n t kamakailan.

Sa mga hindi nakakaalam ay totoong mahilig magpatawa ang aktor, maloko siya, at in fairness hindi naman siya pikon kapag siya naman ang bibiruin dahil tatawanan ka lang.

Aliw na aliw kami kapag nagkukuwentuhan sila ng kapatid niyang si Ria Atayde, dahil sila lang ang nakakaintindi ng pinag-uusapan nila, kasi naman parehong Inglesero.

Sabi nga ng nanay nilang si Sylvia Sanchez kapag nakikita niyang tawa lang nang tawa ang magkapatid: “Naku mga siraulo ‘yang mga ‘yan, mata sa mata lang sila nag-uusap, tapos tatanungin ko kung ano, biglang magtatawanan. May sarili silang lengguwahe na hindi mo maiintindihan,” kuwento ng aktres.

B a t a p a lamang ay nakita na ng mga magulang ni Arjo na kenkoy at makulit ito.

“ G u s t o niyang maging Jim Carrey ng Pilipinas. Ewan ko diyan,” saad ni Ibyang.

K a y a pala nang malaman ng aktor na kasama niya sina Joross Gamboa at Ketchup Eusebio sa ‘TOL ay talagang um-oo na siya plus nalaman ding si Jessy Mendiola ang leading lady nila.

Si Direk Miko Livelo lang ang hindi pa kilala ni Arjo kaya inamin niyang ipinagtanong niya ang direktor sa mga nakatrabaho na nito tulad ni Enchong Dee na malapit na kaibigan din ng aktor at sinabi nga na sobrang okay ang direktor.

Ganu’n ang ugali ni Arjo, nire-research niyang maigi ang lahat ng taong makakatrabaho niya para may ideya siya.

Anyway, mapapanood na ang ‘TOL sa Enero 30, mula sa Reality Entertainment at may premiere night sa Trinoma Cinema sa Martes, Enero 29.

-Reggee Bonoan