IPAGTATANGOL sa unang pagkakataon ni WBO minimumweight titlist Vic Saludar ng Pilipinas ang kanyang titulo sa Hapones na si WBO No. 2 at IBF No. 6 contender Masataka Taniguchi sa Pebrero 26 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Kasalukuyang WBO Asia Paficic minimuweight champion si Taniguchi na natamo ang bakanteng korona sa pagpapalasap ng unang pagkatalo kay Joel Lino ng Pilipinas sa sagupaang ginanap sa Bangkok, Thailand noong Nobyembre 13, 2018.

Delikadong unang depensa ito para kay Saludar dahil kilala ang Japan sa mga hometown decision para maparami lamang ang kanilang kampeong pandaigdig bagamat nakuha niya ang korona sa pagtalo sa dating kampeong si Ryuka Yamana via 12-round unanimous decision noong Hulyo 13, 2018 sa Central Gym, Kobe, Japan.

May kartada si Saludar na 18 panalo, 3 talo na may 10 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Taniguchi na mau kartadang 11 panalo, 2 talo na may 7 pagwawagi sa knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña