“HAPPY si Arjo (Atayde). Very happy.”Ito ang bungad ni Ria Atayde sa guesting niya kamakailan sa Tonight With Boy Abunda, tungkol sa kapatid na si Arjo.

Ria Atayde

Hirit naman kaagad ni Boy Abunda (na ayaw paawat sa pagsusuot ng ripped jeans, na ‘tila alangan na sa kanyang edad): “May kinalaman kaya si Maine Mendoza sa pagiging happy ni Arjo?”

“When it comes to love life, we only talk about it kapag lume-level up na o dili kaya’y nag-break na,” sagot ni Ria.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

“At doon sa mga bashers, please be kind to Maine. I find her to be a real person,” dagdag pa ni Ria.

Just this week, inamin na ni Arjo na exclusively dating sila ng Eat Bulaga host, at nanawagan din ang aktor sa mga bashers na tigilan na ang dalaga.

Ano naman ang chance ni Dominic Roque, sakaling ligawan nito si Ria?“Hindi po mangyayari ‘yan dahil ang turingan namin sa isa’isa ay parang magkapatid, kaya huwag nang ipilit,”ani Ria.Career-wise, happy si Ria at naging bahagi siya ng teleseryeng Halik, na mainit na sinusubaybayan ng televiewers.

-REMY UMEREZ