BIHIRA ang mga artistang tulad ni Angel Locsin na lantaran ang pakikipagrelasyon, at never itong nag-deny kung sino ang ka-on. Katuwiran ng aktres, walang dahilan para itago ang tungkol sa mga relasyon.

Angel at Neil copy

Sa panayam ni Korina Sanchez-Roxas kay Angel last Sunday sa Rated K, sinabi ng aktres na kailanman ay hindi niya itinago ang kanyang love life sa publiko. Tulad ngayon, lantarang ipinopost ng aktres ang mga litrato nila ng boyfriend niyang si Neil Arce sa social media.

“Never naman akong nagtago ng relasyon kasi anong point malalaman at malalaman din ng mga taong so makikita kang nagla-lie, so walang point talaga,” katuwiran ng aktres.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Para kay Angel, masarap daw ma-in-love at dapat itong ipagmalaki at hindi dapat itinatago.

“Ang sarap kayang ma-in-love, ‘yung sabihin mong in-love ka, ipagmalaki mo sa mundo ‘yung taong mahal mo. I think deserve ng taong ‘yun na irespeto, i-acknowledge siya sa public ‘di ba?,” sey pa niya.

Samantala, hindi pa raw nila napag-uusapan ni Neil ang pagpapakasal. Biro pa nga ni Angel kay Korina: “Wala pa naman, liligawan ko pa po, babalitaan ko po kayo pag umoo sa akin.”

Inamin din ng The General’s Daughter star na gusto niyang magka-anak balang araw.

“Dati gusto ko po ng kambal. Nu’ng nakita ko na po ‘yung mga kaibigan ko kung paano mag-alaga, isa na lang po, okay na po ako sa isa,” sabay tawa.

Masaya naman daw niyang tatanggapin kung ilan mang anak ang ipagkakaloob sa kanya ni Lord.

“Kung ano pong ibigay sa akin ng Diyos, basta healthy ‘yung bata,” pahayag ni Angel.

-ADOR SALUTA