TAGOS sa puso ang eksena kamakailan ng mga karakter nina Cherie Gil at Kate Valdez bilang sina Helena at Natalie, sa top-rating GMA primetime series na Onanay.

Cherie

Sa nasabing episode kasi, nahuli na si Helena ng mga pulis matapos ang ginawa niyang pagtakas para lang makasama si Natalie, at huwag mapunta kay Onay (Jo Berry). Pero para kay Natalie, walang kasalanan ang kanyang ina, at hindi dapat makulong.

‘Tila nakikiayon dito ang ilan sa mga manonood ng Onanay. Para sa kanila may pinanggagalingan naman daw ang ginawang pagtatago ni Helena sa apong si Natalie. Nais lang niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang dalagita.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero may ilan naman na nagsasabing sana ay magkaroon pa rin ng kapayapaan sa pamilya nila, lalo na kina Onay, Natalie (Mikee Quintos) at Helena. Mangyari kaya ito?

‘Yan ang pakatutukan sa Onanay, na halos gabi-gabi ay talaga namang sinusubaybayan sa kakaibang istorya nito, kaya naman laging nangunguna sa TV ratings, at itinataob ang mga kasabayang teleserye, in pernes.

-Mercy Lejarde