Hiniling ng Davao City Prosecutor’s Office sa hukuman sa nasabing lungsod na kanselahin ang piyansa ni Senator Antonio Trillanes IV sa kasong libelo.

Sa pitong pahinang urgent motion to cancel bail, hiniling din ni Davao City senior assistant city prosecutor Joseph Mamburam kay Davao Regional Trial Court Judge Melinda Dayanghirang na magpalabas ng warrant of arrest laban sa senador.

Idinahilan ni Mamburam, umalis ng bansa ang senador nang walang pahintulot sa korte at ito aniya ay paglabag sa itinatadhana ng batas.

Una nang nagtungo ng abroad si Trillanes noong Disyembre ng nakalipas na taon at dumating ito sa bansa mula Europe, nitong Enero 10.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nakatakda ring magtungo ng Estados Unidos si Trillanes sa Enero 27 hanggang Pebrero.

-Beth Camia