SI Willie Revillame better known to many of his Wowowin fans as Kuya Wil ay mayroon nang bagong resort sa Mangrove Cove sa Puerto Galera na nagkakahalaga ng mahigit P100 milyon, na binayaran daw in dollars and in cash, ha!

willie

Aba, tipong talbog niya si Kris Aquino when it comes to investments kasi mayroon pa siyang helipad na pinatayuan daw ng bar.

Tapos ‘yung 42nd floor sa kanyang Wil Tower Mall na katapat ng ABSCBN audience ay ginawa pa niyang Events place for press conferences, birthday parties at wedding receptions na tinawag niyang Wil Tower Suites. Siya raw ang namili ng mga gamit na pangdekorasyon na imported pa mula Italy.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Bukod sa penthouse niya sa 42nd floor, lahat ng units sa 39th floor ay kanya at ilan sa mga unit niya ay pinamigay na sa Wowowin staff na naging loyal sa kanya at sa nasabing show.

Wow, bongga!

Tapos mula Lunes hanggang Biyernes ay panay pa ang pagbibigay niya ng pera, jackets at cellphones sa kanyang Wowowin audiences.

Ang bansag na nga sa kanya ng ilang showbiz people ay “lalakeng bukod na pinagpala” na mula sa pagiging hawi boys noon ni Randy Santiago, ngayon isa na siyang ganap kasapi ng mga mayayamang celebrities sa ‘Pinas.

‘Yon nga lang, ang kulang na lang sa isang Willie Revillame ay asawa.

Malamang ay sa Wil Tower Event Place niya ganapin ang kanyang birthday celebration ngayong January.

Advance happy birthday Willie Boy (as we fondly calls him) aka Kuya Will and may God Jesus Christ bless you more as a blessing also to others especially to the needy ones.

-MERCY LEJARDE