MULING nagwagi si undefeated Filipino John Leo Dato na pinatulog sa 4th round ang kalabang Amerikano na si Aaron Jamel Hollis nitong Enero 11 sa Chumash Casino, Santa Ynez, California sa United States.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ni Dato, tatlo sa pamamagitan ng knockouts, mula nang tumabla kay beteranong Mexican journeyman Pedro Antonio Rodriguez nitong Hulyo 6, 2018 sa Chumash Casino.

Napaganda ni Dato ang kanyang rekord sa 9-0-1 na may 6 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang rekord ni Hollis sa 4 panalo, 9 talo na may 2 pagwawagi sa knockouts.

Sa Enero 18 naman, kakasa ang Pilipinong si Jessie Cris Rosales laban kay Rio Olympic Silver medalist Shakur Stevenson sa loob ng 10 rounds sa Turning Stone Resort & Casino sa Verona, California.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Liyamado sa laban si Stevenson na hindi pa nakalalasap ng pagkatalo sa siyam na laban ngunit nangako si Rosales na palalasapin niya ito ng unang pagkatalo.

May kartada si Rosales na 22-1-1 na may 10 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Stevenson na may parpektong 9 panalo, 5 sa pamamagitan ng knockouts.

-Gilbert Espeña