MAGBABALIK aksiyon si two-division world champion Johnriel Casimero sa bantamweight bout laban kay Japanese No. 9 Kenya Yamashita sa Pebrero 16 sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.

Huling lumaban si Casimero sa featherweight nitong Hulyo 21, 2018 sa Tijuana, Mexico kung saan idinispatsa niya sa 2nd round si journeyman Jose Pech.

Bago ito, natalo siya sa kontrobersiyal na 12-round unanimous decision kay Jonas Sultan ng ALA Boxing Gym sa teritoryo nitong Cebu City sa eliminator bout para maging mandatory challenger kay IBF super flyweight titlist Jerwin Ancajas.

May rekord si Casimero, dating WBO interim light flyweight champion, IBF junior flyweight at IBF flyweight titleholder, na 25 panalo, 4 talo na may 16 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Yamashita na may kartadang 13 panalo, 4 talo na may 10 pagwawagi sa knockouts.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa main event ng Gerrypens Promotions card, kakasa ang walang talong si Dave Peñalosa kay Mexican warrior Marcos Cardenas na minsan nang lumaban sa Pilipinas at natalo lamang sa puntos kay Genesis Servania noong 2011.

-Gilbert Espeña