SINA Kyline Alcantara at Therese Malvar ang bibida sa bagong proyekto ng GMA-7, ang Inagaw na Bituin.

Kyline copy

Dahil parehong award-winning actress, marami na kaagad ang nagkukumpara kung sino sa kanila ang mas magaling, kahit hindi pa nakukunan ang mabibigat na eksena kung saan magpapakita sila ng kani-kanilang husay sa pag-arte.

Sa isang panayam kay Kyline, mahinahon niyang sinagot ang isyu na may namumuong patalbugan-sa-akting sa pagitan nila ni Therese.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Sabi nga po nila, para kaming bagets na Nora Aunor at Vilma Santos,” nangingiting bungad ni Kyline.

“Siyempre po, just like what I did sa Kambal, Karibal, I watched so many series sa ibang bansa just to get different acting patterns, at para po maka-create ng certain character. Kumbaga, akala nga nila sobrang bilis makahanap ng character. Ang hirap po.

“Ang hirap lalo na sa parte ko na ang dami ko nang ipinakitang combinations sa Kambal. Naging mabait ako dun, masama ako dun, naging tama lang ako dun. So, parang kinakabahan ako.

“And si Therese, wow, alam natin na ang dami na niyang acting awards especially international recognitions pa ‘yung iba. So mas nakaka-challenge po talaga.”

Pero bagamat alam niyang super-galing ang kanyang bagong kasama sa teleserye, hindi nagpe-prepare si Kyline para talbugan o makipag-compete kay Therese.

“Nope, hindi po. Kung nagpe-prepare man po ako, ‘yun ay para sa sarili ko na rin po, at para sa ikagaganda ng show namin ni Therese.

“Hindi ko po iniisip na makipag-compete sa kanya, dahil hindi maganda ang kalalabasan ng acting ko kung ganun. Totoo po ‘yun. I know po na magaling siya, hinahangaan ko siya, at nirerespeto ko po siya bilang artist at bilang tao.

“’Yung ibang tao lang naman ang... ‘yung as early as now, ang dami-dami na nilang sinasabi. Ang dami ko pong nababasang articles na parang kinuha raw po niya ‘yung role ko sa dating ano.

“Well, hindi ko naman po iniisip na kinuha niya, o pinalitan ‘yung role. That’s for her. Kung para sa kanya, para sa kanya talaga.

“Nakikita ko naman po sa kanya na very professional siya, and ako din po. Magwo-work kami hindi para mag-compete sa isa’t isa but we need to work together to make this a successful teleserye.”

Nagkaroon na ba sila ng bonding moments ni Therese para mas maging okey ang kanilang pagtatrabaho?

“Ang tagal-tagal ko na po kasi siyang nakilala, so I’m comfortable with her. Pero as our characters, hindi ko pa po nadi-discuss sa kanya kung ano ang gagawin naming attack. But for sure, as we go along, mag-uusap at mag-uusap po kami at pag-uusapan namin ‘yan.”

Ayon pa sa Kapuso star, mas malakas daw ang pressure sa kanya ng bagong project na ito, dahil nga first time niyang magbida.

“To be honest po, talagang kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa akin ng mga tao, at sobrang risky din po ‘yung... lalo na po ‘yung first few weeks kapag ipinalabas na ito.

“Feeling ko, mas mahirap ‘yung maging bida, kaysa sa pagiging isang kontrabida. Basta ganun po ang pakiramdam ko,” sabi ni Kyline