Nilinaw ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle na magkaiba ang mga panatiko sa deboto.

Ipinahayag ni Tagle ang pagkakaiba ng dalawa sa idinaos na misa para sa Pista ng Itim na Nazareno na idinaos sa Quirino Grandstand sa Maynila, kahapon.

"I don't know why every Traslacion, it is the same question being asked. What is the meaning of devotion? Every year, it is being put into question. Isn’t it fanaticism?" aniya.

"Only a true devotee can understand... if you are not a devotee you question," dagdag ni Tagle.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Tagle, 'di tulad ng mga panatiko, alam ng mga deboto kung paano mamahalin ang Diyos nang walang kondisyon.

"A fanatic does not love. Fanatics hold on to one who give importance to them. But a devotee is not like this. One is devoted because of love and that is what Jesus showed us," aniya.

'Di gaya ng panatiko, sinabi ni Tagle na dahil sa pagmamahal ng debosto mananatili itong tapat, meron man silang mapakikinabangan o wala.

Aniya, nagkakaisa rin ang mga deboto at kanilang mahal sa buhay, sa paghihirap, saya at sakit.

Pinaalalahanan din ni Tagle ang mga mananampalataya na ang pagiging deboto ng Itim na Nazareno ay hindi lamang isang araw.

"When you say devotee, it should not just be for January 9, every Traslacion. Devotion is a daily act, in every part of the globe," aniya.

"In every kind of love, loyalty, and union, it must be daily," dagdag ni Tagle.

-Leslie Ann G. Aquino at Mary Ann Santiago