SINAGOT ni Enchong Dee ng “feel free to do so. Happy 2019” ang isa niyang follower sa Instagram (IG) na nagsabing i-a-unfollow niya ang aktor dahil ni-like niya ang post ni Gretchen Barretto na pumapabor kay Nicko Falcis na kasalukuyang may legal battle kay Kris Aquino.

At least, hindi takot si Enchong na mabawasan ang kanyang IG follower pero sa banta ng iba niyang follower, hindi na sila kakain sa restaurant na isa yata si Enchong sa industrial partner. Wala namang sagot ang komento na hindi na raw nila ipa-patronize ang nasabing restaurant.

Samantala, wala pang nagbabanta na ibo-boycott ang pelikulang Elise, under Regal Entertainment, na pinagtatambalan nina Enchong at Janine Gutierrez na sa January 23 na ipalalabas. Sigurado namang may gagawin ang Regal para hindi maapektuhan ang showing ng nabanggit na pelikula na title role pa naman ni Janine.

-NITZ MIRALLES
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter