Isasara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Estrella-Pantaleon Bridge na nag-uugnay sa Makati City at Mandaluyong City sa Sabado, Enero 12.
Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasara sa mga motorista ang nasabing tulay sa Sabado, simula 8:00 ng umaga upang bigyang-daan ang paggiba rito para tuluyang patayuan ng bago.
Sa unang plano, ipatutupad sana ang pagsasara ng tulay noong Setyembre 2018 ngunit hindi ito natuloy.
Sa plano ng DPWH, lalaparan ang nasabing tulay at gagawing apat na lane, mula sa dating dalawang lane, at inaasahang matatapos sa 2021.
-Bella Gamotea