TIPONG maganda ang pasok ng taong 2019 para sa cutest bagets duo na sina Kikay Mikay na belong sa Viva Artist Management nina Boss Vic del Rosario and Boss Veronique del Rosario.

Untitled-1 copy

Sa kakatapos lang na Grand Ball party of Smac television, silang dalawa ang napiling Faces of the Night, in pernes. True naman talaga na cute and beautiful ang dalawang bagets na ito, at bongga ang kanilang gown sponsor by Dhanels fashion boutique by Ms. Elsie.

Sila rin ang kids hosts ng Bee Happy Go Lucky, na mapapanood tuwing linggo sa Net 25, from 9:00 to 10:00 pm.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Bukod diyan ay sila rin ang mga new ambassadress ng hand sanitizer na CN Halimuyak Pilipinas, na pagmamay-ari ni Ma’am Nilda Tuason.

Sa January 13, 2019 naman ay sasabak sila sa The Kids OOTD PH Grand Fashion Show na gaganapin sa Fishermall organized by Jadidah Lao.

Hmmm…tipong maganda nga ang pasok ng Year of the Pig 2019 dito kina Kikay Mikay, ha! Well, congrats and more power and success sa inyong showbiz career, Kikay Mikay, ngayong Bagong Taon. Sana nga ay matupad na ang lahat ng inyong mga pangarap habang kayo ay nagdadalaga na.

-MERCY LEJARDE