SA ganda ng reviews at comments sa social media tungkol sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles, maraming nagtatanong sa Team Abroad kung kailan daw nila mapapnood ang international screening ng action-drama-comedy movie nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin, at idinirek ni Mike Tuviera.

Coco

Totoo naman kasing maganda ang movie, naiibang acting ang ginawa ng mga bida. Like si Maine, puwede na palang mag-action, kahit pa sinabi niyang mas gusto niyang magpatawa. Hindi na ipagtatanong ang husay ni Vic sa pagpapatawa, pero ang husay din niyang mag-drama, base sa napanood sa kanya sa pelikula. At wala naman magsasabi na hindi mahusay si Coco simula pa nang pasukin niya ang showbiz.

Narito ang schedule ng international screenings, na nagsimula na last December 27, sa iba-ibang lugar sa Middle East. December 29 sa JYLLand, Denmark. Sa December 30 sa Vienna, Austria at Kristansand, Norway.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Simula naman sa January 3, 2019 ay showing na ang movie sa Brunei; sa January 5, sa Manchester, United Kingdom, sa Stockholm in Sweden, at sa Bonn, Germany.

Mapapanood na rin ang Jack Em Popoy sa January 6, sa Torino, Italy; at sa Malta at Oslo, Norway. Sa January 11 sa US at Canada. Sa January 13 sa Milan, Rome, at Florence sa Italy, at sa Taiwan. Starting January 17, sa Papua, New Guinea naman ito mapapanood, at January 18 sa Guam.

Sa January 19 & 20, showing na ang pelikula sa United Kingdom, London & Surrey, at sa Bologna, Italy at Madrid, Spain sa January 20.

-NORA V. CALDERON