Blazers, lusot sa GS Warriors; Kings, wagi rin sa krusyal three-pointer

OAKLAND, Calif. (AP) — Sa three-pointer nabubuhay, sa three-pointer din nalulungayngay ang Golden State Warriors.

NAGHANAP ng mapapasahan si Kyrie Irving ng Boston nang madepensahan ni Houston Rockets guard James Harden sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA. Nakalusot ang Rockets. (AP)

NAGHANAP ng mapapasahan si Kyrie Irving ng Boston nang madepensahan ni Houston Rockets guard James Harden sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA. Nakalusot ang Rockets. (AP)

Naisalpak ni Damian Lillard ang go-ahead three-pointer may 6.3 segundo ang nalalabi sa overtime para sandigan ang Portland Trail Blazers sa gabuhok na 110-109 panalo kontra sa two-time defending champions nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sumablay ang huling tira ni Kevin Durant sa buzzer para mabalewala ang ikalawang triple double ngayong season -- 26 puntos, 11 assists at 10 rebounds.

Nagtumpok si Lillard ng 21 puntos para sa huling laro ng Portland sa Oracle Arena sa regular season, habang kumana si Jusuf Nurkic ng 27 puntos at 12 rebounds para sa Blazers.

Nabuslo ni Durant ang three-pointer may 19 segundo sa regulation para maipuwersa ang overtime, ngunit sunod sunod na turnover ang nagawa ng Warriors sa extra period sapat para makamit ang bibihirang pagkakataon – ikalawang sunod na kabiguan sa home game. Nadurog sila ng Los Angeles Lakers, 127-101, nitong Kapaskuhan.

Umiskor si Stephen Curry ng three-pointer may 10:46 ang nalalabi sa regulation, ngunit natabunan ito ng nakababatang kapatid na si Seth na kumana ng 11 sunod na puntos, tampok ang tatlong sunod na triples.

Patuloy ang matamlay na outside shooting ng isang pang ‘Splash Bro.’ na si Klay Thompson na tumipa ng 6-for-19 sa field at 2-of-9 sa three-pointer para sa kabuuang 15 puntos.

“I represent this city, so when I come here I want to represent myself well. I have a lot of family and friends coming to see me play, so you’re excited about that. You’ve got energy, that’s what it is, “ pahayag ni Lillard. “And they’ve been one of the best teams in the league, so you want to beat them. To do that you’ve got to put your best foot forward.”

KINGS 117, LAKERS 116

Sa Sacramento, Calif. , naisalpak ni Bogdan Bogdanovic ang three-pointer sa buzzer at tuldukan ang matikas na pagbangon ng Sacramento Kings mula sa 15 puntos na paghahabol kontra sa Los Angeles Lakers.

Hataw si Bogdanovic sa naiskor na 23 puntos, habang kumana si De’Aaron Fox ng 15 puntos, 12 assists at siyam na rebounds. Kumubra rin si Willie Cauley-Stein ng 19 puntos at walong rebounds, at umiskor si Iman Shumpert ng 18 puntos.

Naglaro ang Lakers na wala si LeBron James, nagtamo ng injury sa groin sa panalong laro kontra sa Warriors nitong Miyerkules, na pumutol sa kanyang 156 game streak.

Nanguna si Kyle Kuzma sa Lakers na may 34 puntos, habang humugot si Lonzo Ball ng 20 puntos, 12 assists at siyam na rebounds.

Matapos magtabla ang iskor sa 112 mula sa free throw ni Justin Jackson, nakaiskor sa three-pointer si Kuzma may 41 segundo ang nalalabi, umiskor muli sa free throw ang Kings at nag-slit sa kanayng free throw si Kuzma may 4.6 segundo ang nalalabi.

Mula sa time out, tinanggap ni Bogdanovic ang bola at mabilis na bumitaw ng three-pointer sa layong 27-footer sa harap ng depensa ng 7-foot-1 na si Tyson Chandler para sa game-winner.

ROCKETS 127, CELTICS 113

Sa Houston, hataw si James Harden sa naiskor na 45 puntos at anim na assists, habang kumubra si Clint Capela ng 24 puntos at 18 rebounds, sa panalo ng Rockets kontra Boston Celtics.

Naitala ni Harden ang ikawalong sunod na 30 puntos o higit pa para sa pinakamahabang scoring streak mula nang magawa ni Russell Westbrook noong 2016.

Nanguna si Kyrie Irving sa Celtics na may 23 puntos at 11 assists, habang kumana si Marcus Morris ng 19 puntos bago napatalsik sa laro sa kalagitnaan ng final period. Nag-ambag si Jaylen Brown ng 18 puntos.

BUCKS 112, KNICKS 96

Sa Milwaukee, ginapi ng Bucks, sa pangunguna ni Giannis Antetokounmpo na may 31 puntos at 14 rebounds, ang New York Knicks.

Nag-ambag si Khris Middleton ng 25 puntos.

Winalis ng Bucks ang home-and-home series laban sa Knicks, ginapi rin nila sa New York sa Kapaskuhan, 109-95.

Nagsalansan si Luke Kornet ng career high 23 puntos at umiskor si Noah Vonleh na may 15 puntos at 13 rebounds.