LINGAYEN, Pangasinan – Isa umanong miyembro ng gun-for-hire na sangkot din sa ilegal na droga at robbery hold-up ang napatay sa sagupaan sa Barangay Longos, Parac-Parac, San Fabian, Pangasinan, kahapon.

Kinilala ni Senior Supt. Wilzon Joseph Lopez, Pangasinan Police Provincial director, ang napatay na si Christian Bandarlipe, ng nasabing lugar.

Naganap ang engkuwentro matapos ihain ng mga awtoridad ang search warrant laban sa suspek sa hideout nito sa Longos, Parac-Parac sa nasabing bayan, dakong 3:40 ng madaling araw.

Nasamsam sa suspek ang isang baril, na ginamit nito sa sagupaan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

-Liezle Basa Iñigo