Pinagtulungang bugbugin ng tatlong empleyado ng isang hotel ang isang driver dahil lang sa “masamang tingin” nito, sa loob ng isang bar sa Pasay City, nitong Linggo ng gabi.

Kaagad na nadakip ng mga awtoridad at nahaharap sa physical injuries sina Marlou Dela Cruz, ng Novaliches, Quezon City; Ronwaldo Reyes, 28, ng Sta. Cruz, Maynila, kapwa roomboy; at Steven Dela Cruz, 23, bell boy, ng Taytay, Rizal.

Inireklamo sila ni Mark Ronnel Atienza, nasa hustong gulang, driver, ng Fort Bonifacio, Taguig City.

Sa ulat ni Pasay City Police chief, Senior Supt. Noel Flores, ginulpi umano ang biktima sa LEO-S Grill sa Gisselle Park Plaza sa Barangay 146, Zone 16, dakong 11:00 ng gabi.

Internasyonal

1 sa 3 college students, nagse-cellphone habang nakikipagbembangan—survey

Nag-iinuman ang mga suspek at biktima sa magkahiwalay na mesa sa loob ng naturang bar nang magkatinginan umano ang mga ito, na nauwi sa mainit na pagtatalo at pambubugbog umano ng tatlo kay Atienza.

Natigil lang ang panggugulpi sa biktima nang dumating ang mga pulis, at inaresto ang tatlong suspek.

-Bella Gamotea