LABIS ang pasasalamat ni Kim Chiu matapos manood ng press preview ng One Great Love nila nina Dennis Trillo at JC de Vera, sa Director’s Club last Saturday evening, dahil approved a n g kanyang ama sa role na ginampanan niya sa movie. Kasama kasi ni Kim na nanood ang kanyang ama.

“ P a p a approved!!! First t ime t o s e e maga eye s ng Papa ko pagkatapos n i y a m a n o o d ng movie ko, hugged m e a n d s a id ‘ iba ka rito!!!’ Thank you Pa for flying all the way from Mindoro just to watch the press preview of #OneGreatLove. Sa sobrang excited niya, gusto niya bukas na ang showing!!! Happy weekend everyone! #OneGreatLoveMMFF #dec25napo,” post ni Kim sa Instagram.

Totoo naman na ibang-iba ang acting ni Kim sa One Great Love, at first time rin pala niyang magkaroon ng love scene, not once but thrice. Dalawa sa boyfriend ng karakter niyang si Carl (JC) at once sa husband niyang si Ian (Dennis).

Bago nga nag-start ang preview, nakiusap muna silang huwag ikuwento ang ending ng story, na magpapaiyak sa mga manonood, at sasabihin nilang meron talagang “one great love.”

Pelikula

Hello, Love, Again natalbugan ang Rewind; netizens, nag-aaway sino bumitbit ng pelikula

Sa direksiyon ni Enrico S. Quizon, showing na ang One Great Love ngayong December 25, Christmas Day, in cinemas nationwide. Binigyan ito ng Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB) at Rated PG naman ng Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB).

-NORA V. CALDERON