SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte si Miss Universe 2018 Catriona Gray na i-enjoy ang mga oportunidad na kaakibat ng kanyang bagong titulo.

Inabot ng halos isang oras ang paghaharap nina Pangulong Duterte at Catriona sa Kalayaan Hall sa Villamor Airbase, Pasay City nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Malacañang, inimbitahan ni Pangulong Duterte si Catriona na bumisita sa Palasyo kapag natapos na nito ang mga commitments sa Amerika upang opisyal nitong maipagdiwang ang homecoming sa Pilipinas.

“[Catriona] received advice from the President, telling her to enjoy the opportunity of traveling the world and meeting people from different cultures and ethnicities around the globe,” saad sa pahayag ng Malacañang.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Towards the end of their tête-à-tête, President Duterte invited Miss Gray to visit Malacañang after her commitments abroad so she could officially celebrate her homecoming in the country,” dagdag pa.

Sinabi rin ng Malacañang na binati at pinasalamatan ni Duterte si Catriona sa pagbibigay ng karangalan sa bansa nang muling maiuwi ng isang Pinay ang prestihiyosong Miss Universe crown tatlong taon matapos itong maangkin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

“He (President Duterte) also wished her (Catriona) to have a successful reign, and asked her to showcase the Philippines’ beauty even more to the world,” saad pa ng Palasyo.

Nagharap ang Presidente at si Catriona bandang 6:20 ng gabi. Kasama ng Pangulo sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, at Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Si Catriona ang ikaapat na Pilipina na nanalong Miss Universe, kasunod nina Pia, Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS