OPISYAL na ang pagbabalik ni Ronald Tubid sa San Miguel Beer.

Mismong ang 37-anyos veteran forward ang nagkumpirma sa Manila Bulletin Sports Online sa kanyang pagpirma ng limang buwang kontrata sa dating tahanan.

“I was signed to five-months. From there, it will all depend on my performance,” pahayag ni Tubid.

Sa kanyang edad, kumpiyansa si Tubid na kaya pa niyang makipagsabayan sa mga bagito at nagpapangap na star kung mabibigyan pa ng pagkakataon na makalaro hanggang dalawang taon.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Puspusan umano ang pagsasanay niya para paghandaan ang darating na conference kung saan makikipagbuno siya ng playing time sa mga mas nakababatang tropa tulad nina Chris Ross, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter.

Makakasama niya rin ang mga bagong recruit na sina Terrence Romeo at Paul Zamar.

Nakatakdang magsimula ang training camp ng Beermen sa Disyembre 26.

-Brian Yalung