DUMATING sa bansa nitong Miyerkules ang kapapanalo lang na si 2018 Miss Universe Catriona Gray, bandang 3:30 pm, sakay sa isang private plane kasama ang ilang Miss Universe entourage.

Chavit

Napanood sa TV Patrol kinagabihan ang paglapag ng nasabing eroplano sa Villamor Airbase sa Pasay, kung saan mainit na sinalubong ang bagong Miss Universe.

Pero ang nakasorpresa sa mga manonood ay ang presence ni former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, bilang isa sa mga pasahero ng plane na nanggaling pa sa Bangkok, Thailand.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May kinalaman si Singson sa Miss Universe pageant, dahil sa interview sa kanya ng Cabinet Files noong June 14, 2018, kinumpirma niyang may partnership pa rin sila ng Miss Universe Organization (MUO).

Si Singson ang co-producer ng MUO sa 65th edition ng Miss Universe na ginanap sa Pilipinas noong January 30, 2017.

Isa ito sa dahilan kaya hurado ang kanyang anak na si Richelle Singson-Michael sa 67th Miss Universe na ginanap sa Bangkok nitong Lunes.

Sa pagbabalik ni Singson sa Pilipinas, masasagot na ang isyu na umano’y ibinigay na sa kanya ng MUO ang franchise ng Miss Universe Philippines, na ilang dekada nang hawak ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ni Stella Marquez de Araneta.

Nagkaroon ng mga hinalang baka may katotohanan ang balita, dahil may mga nakapansin na hindi ang BPCI ang nag-announce ng pagbabalik ngayon ni Catriona sa Pilipinas.

Malalaman natin ang katotohanan mula kay Singson, dahil inaasahang magbibigay siya ng pahayag tungkol sa controversial issue.

-ADOR V. SALUTA