UMAPELA si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa publiko na buksan ang kanilang mga puso ngayong Pasko “to make someone happy” sa panahong ito.“Open your hearts this Christmas and make someone happy this holiday season,” sinabi ni Catriona sa launch ng charity partnership ng Miss Universe Organization (MUO) at FrontRow, isang direct selling company sa health, beauty, at wellness industry sa Pilipinas, sa isang hotel sa Makati City kahapon.

Catriona copy

Sinabi ni Catriona na makikinabang sa nasabing pagtutulungan ang mga bata sa Gentle Hands, Inc., isang ampunan sa Cubao, Quezon City.

“I love working with children because I am the only child. Growing up I always wish for siblings so when I became an adult and reached out to charities, working with children really touched my heart,” sabi ng Filipino-Australian beauty queen.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa Gentle Hands, Inc., tumanggap ang mga bata ng mga regalo mula kay Catriona at kanyang mga kasama. Kasama rin ni Catriona ang arkitektong si Richelle Singson-Michael, anak ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at isa sa pitong all-female judges sa katatapos na 2018 Miss Universe sa Bangkok, Thailand.

Ang FrontRow ay pagmamay-ari ng aktor na si Raymond “RS” Francisco at ni Samuel Verzosa.

-ROBERT R. REQUINTINA