INAMIN ni Marco Gumabao, 24, na nagkaroon siya ng pagkakamali nang lumabas sa social media ang mga larawan nila ni Janella Salvador na magkasama sa isang restobar.

Janella at Marco

Nag-sorry si Marco dahil inisip ng mga taong nagdi-date sila ni Janella dahil nga sa mga nag-leak na photos.

Ikinuwento rin ng aktor sa presscon ng Aurora na kamakailan lang ay lumapit at humingi siya ng paumanhin kay Elmo Magalona, ang former love-team partner at rumored ex-boyfriend ni Janella.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Hindi pa katagalan noong magkaroon ng hidwaan ang dalawa nang lumabas ang isyu na pisikal na umanong sinaktan ni Elmo si Janella noong Setyembre.

Kasunod nito ang pag-leak naman ang screenshots ng video nina Marco at Janella na tila kuha sa isang restobar noong October. Sa mga litrato ay makikitang masinsinang nag-uusap ang dalawa.

Sa panayam ng PEP kay Marco sa Viva Studio sa Quezon City, nitong Martes, ipinaliwanag ng aktor ang relasyon na namamagitan sa kanila ni Janella.

“Well, kami lang naman ni Janella, we hung out. We went out, we were both single. And nu’ng lumabas ‘yung video or picture, nagulat kami sa reaction ng tao.”

Dahil daw sa matinding reaksiyon ng mga tao, napagkasunduan nila ni Janella na tapusin ang kung anumang pagkakamabutihang namumuo sa kanila.

Pahayag ni Marco, “pinag-usapan namin na, ‘I think it’s best, kung anuman ang nangyayari, i-end na natin agad.’

“May picture nga na lumabas. So, parang we talked about it.

“Sabi namin, ‘wag na nating bigyan ng reason ang mga tao para magalit pa.’ So, we are just friends.”

Ikinuwento rin ni Marco kung paano niya nilapitan si Elmo para mag-sorry sa taping ng ABS-CBN Christmas Special na ginanap sa Araneta Coliseum kamakailan.

“I went up pa nga to Elmo nu’ng Christmas special. Sabi ko, napansin ko na hindi kami nagpapansinan, may konting iwasan na nangyayari.

“So, lumapit ako sa kanya, sabi ko… hindi naman siguro siya (Elmo) nagseselos… pero because of the issue, may konting ilangan na hindi mo naman maiiwasan din.

“So, ako na mismo ang lumapit sa kanya, sabi ko, ‘kung anuman yung lumabas na issue, we didn’t mean na sirain ang relationship mo with Janella or what…’”

Ikinuwento rin ni Marco kung ano ang reaksiyon ni Elmo pagkatapos nitong mag-sorry.

“Sabi niya sa akin, ‘you know what, Marco, I really appreciate you coming up to me.’

“Sabi niya, ‘not most guys would do this na magso-sorry o mag-o-own up sa mistake.’

“Kasi ako, aminado rin naman ako na nagkamali rin ako because, siyempre, du’n nga sa ano (picture) na-mislead ‘yung mga tao into thinking na Janella and I were dating.

“Pero in fact, we’re just friends going out with a group of friends.

“Kung mayro’n mang medyo nagkaroon ng misunderstanding, I’m sorry for that, and nag-sorry na ako kay Elmo.”

Pagdidiin pa niya, “kami ni Janella, we’re friends. Everything is good.”

Klinaro pa ng aktor na wala siyang balak na ligawan si Janella.

Sey ni Marco, “Janella is such a sweet girl. If given a chance, yeah, why not, di ba?

“Pero if you’re gonna ask me now, siguro not the right time. Siguro para rin sa kanya.”

Naitanong din kay Marco kung magkarelasyon na ba ulit sina Janella at Elmo?

“I’m not sure. I’m not sure. Wala akong alam diyan,” matipid nitong tugon.

Bagamat kinumpirma ni Janella sa isang interview na pisikal daw siyang sinaktan ni Elmo, nanatili namang tahimik ang kampo ni Elmo hinggil sa isyu.

-Ador V. Saluta