Patay ang misis ng isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos na ratratin ng pinaniniwalaang grupo ng mga rebelde sa Barangay Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte, kahapon.

Sa ulat ni Chief Insp. Jason Baria, ng Police Regional Office (PRO)-11, ang biktima ay nakilalang si Gina Mantayona, 23, asawa ni Mario Mantayona, na aktibong tauhan ng CAFGU sa Talaingod.

Ayon kay Baria, dalawang miyembro ng kilusan ang nagtungo sa bahay ng mag-asawa at pinagbabaril ito.

Dead on the spot ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Naka-duty umano ang asawa ng biktima nang maganap ang pag-atake.

Patuloy pa rin ang isinasagawa ng follow-up operation ng pulisya sa ikadarakip ng mga suspek.

-Fer Taboy