TIYAK na aangat sa world rankings si WBO No. 3 super bantamweight Juan Miguel “Migs” Elorde matapos niyang talunin via TKO s i Thai journeyman Artid Bamrungaea kamakalawa ng gabi sa Elorde Sports Complex, Paranaque City.
Naitala ng 32 anyos na si Elorde ang ika-17 sunod na panalo, 11 sa pamamagitan ng knockouts, mula nang madaig ng Amerikanong si Jerry Guevarra via 4-round unanimous decision noong Nobyembre 11, 2011 sa Las Vegas , Nevada sa Uni ted States.
P o s i b l e r i n g ma g i n g ma nda t o r y c o n t e nde r s i Elorde ng bagong WBO super bantamweight champion na si dating No. 2 Emanuel Navarrete ng Mexico na naagaw ng korona kay Ghanaian Isaac Dogboe noong nakaraang Disyembre 8 sa Madison Square Garden Theatre sa New York sa US.
Napaganda ni Elorde ang kanyang kartada sa 27 panalo, 1 talo na may 15 pagwawagi sa knockouts kaya aangat sa No. 2 rankings ng WBO sa December ratings nito.
-Gilbert Espeña