KASAMA ni Sunshine Dizon ang panganay na anak na si Doreen Tan sa grand presscon ng movie nilang Rainbow’s Sunset na isa sa walong official entries sa 44th Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25.

Sunshine at Doreen

Maganda like her Mom si Doreen at tinanong namin siya kung gusto rin niyang mag-artista, dahil aliw siyang tingnan ang mga young stars na kasama sa movie na idinirek ni Joel Lamangan, gaya nina Zeke Sarmenta, daughter ng producer na si Harlene Bautista, at Nella Marie Dizon na anak naman ng actor na si Allen Dizon.

Tinanong namin si Sunshine kung payag ba siya na pag-artistahin si Doreen kung sakaling gustuhin ng dalagita. Pwede kasing magsimula si Doreen bilang isang child star na tulad niya nang magsimula siya sa showbiz.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Yes po,” sagot ni Sunshine. “Siguro po hindi maiiwasan dahil nga artista rin ako at pinapanood niya raw ako. Nakakatuwa siya kapag umaarte siya sa harap ng mirror. Pero sabi ko sa kanya, papayagan ko siya kapag bakasyon sa school, at mas important pa rin ang makatapos siya ng studies niya. Pero si Anton, mas mahilig siya sa sports.”

Sa Rainbow’s Sunset, gumaganap si Sunshine na bunsong anak nina Eddie Garcia at Ms. Gloria Romero, pero hiwalay siya sa asawa. Mayroon siyang boyfriend na hindi maamin sa family niya at mga kapatid niyang sina Tirso Cruz III at Aiko Melendez. Biniro tuloy si Sunshine na may chance ba na makipagrelasyon siya uli? Hiwalay kasi sila ng husband niyang si Timothy Tan, at wala pa rin sa kanila ang nagpa-file ng annulment. Maganda rin naman kasi ang samahan nila para sa kanilang dalawang anak.

“Ayaw kong magsalita nang tapos, pero kung mayroong dumating, why not? Pero ako, ayaw ko na nang mas bata sa akin, mas gusto ko iyong older sa akin, na ako ang magiging prinsesa niya, aalagaan niya, iyong siya ang magdidesisyon para sa aming dalawa.”

Mas matanda nang dalawang taon si Sunshine kay Timothy, kaya gusto niya someone older na susunod, let’s say 40 or 45 years old.

Since may movie siya this festival at kailangan nilang sumakay sa float ng Rainbow’s Sunset sa parade of stars sa December 23, saan sila magsi-celebrate ng Christmas this year?

“Last year, sa States kami nag-Christmas, kasama namin si Timothy. Pero siguro this year, kanya-kanya naman kami. Kami ng mga anak ko sa Dizon side, siguro siya sa family naman niya. Merry Christmas and a Happy New Year sa ating lahat!”

-Nora V. Calderon