GINAPI ni John Russel Misal ng Table Tennis Association in National Development-Joola si Ryan Rodney Jacolo ng Philippine Airforce, 3-1, para sandigan ang tagumpay ng TATAND-Joola sa 1st Philippine Marines Corps Table Tennis Invitational Championship nitong weekend sa Bonicafio Naval Station Gymnasium sa Bonifacio Global City.

Nanaig din si Alexis Bolante kay Adolfo Bazar, 3-0, para masiguro ang panalo ng TATAND.

Sa distaff side, nagwagi ang DLSU-NAVY, sa pangunguna ni National Team member Emy Rose Dael, kontra JOOLA- GREENPADDLE.

Inorganisa ang event ng Philippine Navy Table Tennis Club, sa pakikipagtulungan ng Philippine Table Tennis Federation, Brig. Gen Custodio Parcon at PTTF Secretary General Rudolfo Ducanes.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nauna rito, sa semi-final rounds, nanaig ang Adolfo Bazar sa Phil. Airforce team na binubuo nina Nat'l team player representing Metta team Japeth Adaza to clinch the final round against the team TATAND-Joola.