NAAGAWAN ng De La Salle-Zobel ang dating kampeong National University sa girls division matapos ang 25-21, 25-23, 15-25, 16-25, 15-8 panalo sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament finals nitong weekend sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Ang titulo ang una ng Junior Lady Spikers' makalipas ang limang taon at ika-10 nilang overall crown bilang league most winningest team.

"Napakasaya ng feeling. Hindi ko ma-express. Buong La Salle-Zobel community, sumusuporta sa programa," pahayag ng kanilang coach na si Tina Salak."Nakaka-overwhelm. Sobrang saya. Lahat ng hirap ng mga bata, nagbunga. Yung tulong nila at sakripisyo nila."

Dahil sa kabiguan, naputol ang apat na taong pamamayagpag ng Junior Lady Bullpups.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Nanguna si Angel Canino para sa nasabing panalo sa ipinoste nyang 21 puntos kasunod si Alleiah Malaluan na may 15 hits at 15 ring receptions.

Nag-ambag naman ang nahirang na graduating Junior Lady Spikers skipper na si Justine Jazareno, bilang Finals MVP, ng 9 na puntos at 12 digs.

Sa boys division, lumapit naman ang NU Bullpups sa inaasam na titulo matapos gapiin ang Far Eastern University-Diliman.

Nagposte si Jomar Ocampo ng 16-puntos upang pamunuan ang 25-19, 22-25, 25-18, 25-13 panalo sa Game 1 ng kanilang finals series.

Nauna rito, iginawad kay Canino ang season MVP award at Best 1st Outside Spiker plum in sa isang simpleng awards rites.

Kasama niyang pinarangalan ang teammate na si Malaluan na nagwaging Best 2nd Outside Spiker at Best Server, May Ann Nique ng Adamson (Best 1st Middle Blocker) at teammate Ayesha Juegos (Best Opposite Spiker), Alexis Miner ng FEU (Best 2nd Middle Blocker), Camille Lamina ng NU(Best Setter) at Det Pepito ng University of Santo Tomas (Best Libero).

Nagpakita ang NU ng balanseng atake sa mahusay na playmaking ni Diogenes Poquita na nagtala ng 34 excellent sets.

-Marivic Awitan