MAPAPANOOD na simula ngayong Biyernes ang pelikula ni John Stephen Baltazar na The Signs, sa Cine Lokal theaters sa SM malls.

Tungkol ito sa kuwento ni Tony Hughes, isang sikat na meteorologist na namatay habang nananaliksik tungkol sa mga bagyo. Matutuklasan ni Tony ang manuscript na nagsasaad ng mga prediksiyon ng series of signs na hahantong sa isang malaking sakuna—ang mother of all typhoons.

'Ang sakit!' Coco Martin, isinumpa noon ang ABS-CBN

Habang nasasaksihan ang mga senyales ng super typhoon, magiging responsable si Tony sa kaligtasan ng kanilang bayan at madidiskubre niya ang isa pang banta na mas malala pa kaysa sa mga naunang signs.

“I’ve always wanted to make a natural disaster film. Given the fact that we live in a country where floods, storms and earthquakes are part of our normal lives in the Philippines, it is time to inform and educate young people using the power of entertainment,” kuwento ni John Stephen Baltazar, na producer, sumulat at direktor ng pelikula.

Ang disaster film ay pinagbibidahan ng promising actors at actresses na sina Michael KumarAnna ReyesAndrew Torres, at Enzo Ferrari Arciaga.

Ayon kay Direk John Stephen, hindi rin niya alam kung bakit gustung-gusto niyang nasa labas ng bahay kapag masama ang panahon lalo na kapag bagyo at talagang bitbit niya ang camera niya para kunan lahat.

Ang The Signs ay mapapanood sa pitong SM Cinemas ng Cine Lokal sa SM Manila, SM Southmall, SM Bacoor, SM Sta. Mesa, SM North EDSA, SM Fairview, at SM Megamall sa 1:00 PM, 3:30 PM, 6:00 PM, at 8:30 PM. Ang tickets ay nasa P150