NGAYONG pahinga muna si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa paggawa ng teleserye, aba, busy naman siya sa paghahakot ng awards sa iba’t ibang award giving bodies, lalo na iyong tumutukoy sa kanyang mga advocacies.

Marian copy

Nauna rito ang pagtanggap niya ng award mula sa MCNAP (Mother and Child Nurses Association of the Philippines). Advocate kasi si Marian ng breastfeeding, kaya naman kinilala siya sa larangang ito.

“Thank you MCNAP for the recognition as Celebrity Breasfeeding Influencer. Masaya akong na-share ko ang experience ko bilang breastfeeding mom noon kay Zia. Ready na rin ako (at asawa ko) next year para sa aking ikalawang anak. Kaisa n’yo ako sa layuning ito at hindi ako magsasawang suportahan at ipalaganap ang importansya ng breastfeeding.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Noong isang araw naman, tatlong awards ang tinanggap niya mula sa Comguild Academe’s Choice Awards – Advertiser’s Friendly, Female Host of the Year at Most Admired Family Endorser of the Year.

“Marami pong salamat sa lahat ng bumubuo ng Comguild Academe’s Choice Awards. Ang mga estudyante at miyembro ng academe mula sa iba’t ibang colleges at universities, p a r a s a recognition b i l a n g Advertisers Friendly, Female Host of the Year at Most Admired Family Endorser of the Year. Marami din pong salamat sa lahat ng advertisers sa patuloy na tiwala sa akin at sa aking pamilya. #TheDantesSquad.

Effective endorser nga ang pamilya ni Dingdong Dantes dahil balitang ang isisilang na baby boy ni Marian next year ay kinontrata na ng isang advertising company. Ganito rin ang nangyari bago pa niyas isinilang ang panganay nilang si Zia, tatlong taon na ang nakalipas.

At sa huling pakikipag-usap namin kay Marian, may isa pa raw siyang malaking endorsement na ilulunsad bago magtapos ang taong 2018.

Samantala, tuloy pa rin si Marian sa kanyang taping bilang host ng OFW docudrama na Tadhana na napapanood tuwing Sabado ng hapon, pagkatapos ng Asawa Ko Karibal Ko at tuwing Linggo sa live presentation ng noontime show na Sunday PinaSaya sa GMA7.

-NORA V. CALDERON