NANGHINAYANG kami kay Diego Loyzaga dahil tuluyan nang pinatay ang karakter niya, bilang Joaquin Cardinal, panganay na anak ni Don Roman Cardinal, Sr., sa seryeng Los Bastardos.

Diego

Maganda pa naman ang karakter ni Diego bilang may mataas na puwesto sa negosyong Cardinal Distillery, at pinagkakatiwalaan ng ama.

Sabi ng source namin sa Dos: “Wala na, bumitaw na si Diego sa Los Bastardos. Sa totoo lang, hindi siya binitiwan ni RSB (Ruel S. Bayani), binigyan siya ng two weeks or more para makabalik sa show. Eh mismong si Teresa (Loyzaga) na ang nagsabing hindi na babalik ang anak. Kaya walang choice si RSB kundi patayin na ang karakter niya (Diego).”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Base sa nakuha naming tsika ay lumipad papuntang Amerika si Diego, kaya itinanong namin sa aming source kung ano ang gagawin ng aktor sa ibang bansa? Sino ang kasama niya roon, gayung may umeereng teleserye si Teresa sa GMA-7.

“Palalabasing nagpunta ng Amerika si Diego, tapos nag-crash ang eroplanong sinasakyan niya at hindi na nakita ang bangkay. Pero ipapakita ang funeral rites niya sa Los Bastardos,” kuwento ng taga-Dos.

Hayun, akala namin ay totoong magpupunta sa Amerika si Diego.

Sayang na sayang si Diego, dahil bida siya sa Los Bastardos at wala siyang ka-love team.

“Actually, ‘yan ang sinabi ng lahat sa show. Nanghihinayang silang lahat kay Diego,” sabi pa ng kausap namin.

-REGGEE BONOAN