NAPA-“OO NGA” si Dennis Trillo nang i-point out sa kanya na magkalaban sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula nila ni Dingdong Dantes, na kasama niyang bida sa action series ng GMA-7 na Cain at Abel.

Dingdong at Dennis

Isa si Dennis sa dalawang leading men ni Kim Chiu sa Regal Entertainment movie na One Great Love kasama si JC de Vera. Si Dingdong naman ay nasa cast ng Fantastica ni Vice Ganda ng Star Cinema.

Pero sabi ni Dennis ay hindi nila napag-uusapan ni Dingdong ang entries nila dahil ‘pag nasa taping sila ng Cain at Abel ay focus lang sila sa taping, lalo na at laging mabibigat ang kanilang mga eksena, mapa-drama man o action.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Kilala si Dennis na hangga’t maaari, ay hindi niya pinagsasabay-sabay ang trabaho para nakakapag-concentrate. Kung may pelikula siya, tatapusin muna niya ito bago gumawa ng teleserye at kung may teleserye, hindi muna siya gumagawa ng movie.

Kaya naman marami ang nagulat kung bakit niya pinagsabay ang Cain at Abel sa TV at pelikulang One Great Love.

“Ayaw ko nga sanang sabay ang teleserye at pelikula para sa iisang trabaho lang ang focus ko, ayoko kasing na-i-stress ako. Saka, ayoko sanang gumawa ng love story, pero nang mabasa ko ang script ng ‘One Great Love’, maganda ang material, saka sina Kim at JC ang makakasama ko at ibang talents ng ABS-CBN na madalang kong makatrabaho. Plus, si Eric Quizon pa ang direktor namin, hindi ko na tinanggihan, blessing ito sa akin at sa career ko. Hindi magsisisi ang moviegoer s na manonood ng pelikula namin,” paniniguro ni Dennis.

-Nitz Miralles