TALAVERA, Nueva Ecija – Dead on arrival sa ospital ang umano’y tulak ng ipinagbabawal na gamot matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa By-Pass Road, Barangay La Torre, Talavera, Nueva Ecija, kamakalawa.

Sa ulat ni Supt. Joe Neil Rojo, Tavera police chief, kinilala ang suspek na si Pedro Seratorre, nasa hustong gulang, taga- Cabanatuan City.

Sa ulat, naglunsad ng anti-illegal drugs operations ang mga tauhan ng Pilippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa suspek sa By-Pass Road, Bgy. La Torre, dakong 1:00 ng madaling araw.

Matapos umanong bentahan ni Seratorre ng droga ang poseur-buyer ay nakahalata ito na buy-bust ang operasyon at tumakbo habang pinapaputukan ang mga pulis, na gumanti at ibinulagta ang suspek.

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van

Nasamsam sa suspek ang isang .38 caliber revolver at hindi pa madeterminang halaga ng shabu.

-Light A. Nolasco