SA storycon para sa pelikulang may working title na Project G, mula sa Cineko Productions, na pagbibidahan nina Khalil Ramos, Mark Oblea, Paolo Angeles, Nick Parker, at Jameson Blake, nabanggit ng direktor na si Dondon Santos na barkada movie ang peg ng movie, na tipong Bagets (1984), Pare Ko (1994), at Trip (2001).

Cast ng 'Project G' copy

Isa rin kami sa na-excite, dahil kasama rin sa pelikula ang ibang cast sa Bagets, tulad nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Yayo Aguila. Plano ring isama si Jobelle Salvador, kaso hindi pa mahanap kung nasaan siya. Mula sa Pare Ko movie ay kasama rin si Jao Mapa.

Ang gist ng Project G ay coming of age, at may kanya-kanyang bucket list ang mga bida, tulad ng road trip, pagsusuko ng virginity, at marami pang iba.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Ka i l a n g a n n i n y o n g magmukhang mga bata kasi virgin pa kayo rito,” sabi ni Direk Dondon sa cast.

Kaya iniba ang looks nina Khalil, Mark, Nick, Paolo, Jameson, at iba pa na may kanya-kanyang karakter.

Ang tanong kaagad namin: Virgin pa ba sila? In fairness, lahat sina Khalil, Mark, Paolo, Nick at Jameson ay umaming “hindi na”.

Dagdag kuwento pa ni Direk Dondon, may iso-solve na krimen ang grupo dahil may namatay sa kanila at hindi nila alam kung ano ang nangyari, dahil lasing silang lahat nang sinusundang gabi.

Puwedeng matawag na sexy-crime movie ang Project G, dahil siyempre mga bagets at pawang pilyo ang mga bida, kaya magpapakita raw sila ng katawan. Hindi lang namin alam kung hanggang saan ang limitasyon, dahil nu’ng tanungin namin kung anong suot nila kapag naliligo ay nagtawanan sina Khalil, Mark, Paolo, Nick at Jameson.

“Secret pa,” sabi pa ng team ni Direk Dondon.

Anyway, tinanong namin isa-isa

ang cast kung gaano s i l a ka-naughty s a totoong buhay.

“ T a m a lang, sakto lang,” saad ni Jameson.

“Lalaking n a u g h t y , ‘yung normal lang sa lalaki ang pagiging n a u g h t y , ” sabi naman ni Mark.

“ H i n d i ako naughty, nakakatamad kasi. Chill lang, relax lang,” sabi naman ni Khalil.

“Tahimik ako, seryoso lang ako,”kaswal na sabi ni Paolo.

“Naughty pag lasing lang,”say ni Nick.

Halos lahat ng boys ay umiinom kapag may okasyon, at hindi ‘yung araw-araw.

“Hindi ako heavy drinker,”sagot ni Khalil.

“Hindi ako ma-gimmick,” hirit naman ni Mark.

Pero nagsama na raw silang gumimik sa kaarawan ni Vice Ganda.

“Nagkasama-sama kami sa birthday. Magkakaibigan kasi kaming lahat,” sabay-sabay na sabi ng lima.

Anong ie-expect ng bawat isa sa kanilang mga karakter sa pelikula?

Si Jameson ay si Dom, bestfriend ni Samuel (Khalil), na mabait at malakas ang loob.

“Expect ko maging deep ang character ko, I hope you’ll be able to like it and be a good example to barkada, mga friends,”say ng aktor.

Unang pelikula naman ni Mark ang Project G at isa siya sa mga bida, kaya naman sobrang thankful siya.

“Actually ito ang big role ko na bida na ako, sobrang grateful ako kay Direk Dondon at sa Cineko (Productions) na bigyan ako ng opportunity,” sabi ni Mark. “Mahilig kasi akong manood ng movie at gusto ko talagang magkaroon ng barkada movie tapos heto nagkaroon na, ang ganda pa ng role ko. Karakter ko is very millennial at maraming kabataan ang makaka-relate.” Singer talaga si Mark pero dahil nakaka-arte naman kaya may mga show na rin siya sa ABS-CBN, tulad ng Maalaala Mo Kaya, Wansapanataym at ang umeereng Ngayon at Kailanman. Kaya rin naman daw niyang pagsabayin ang pag-arte at pagkanta.

Si Khalil ay si Sam, ang leader ng grupo. Guwapo at mayaman, at siya lahat ang pasimuno sa mga lakad ng barkada.

“Based sa nabasa ko sa script, it’s a barkada film, it’s a fun movie for sure enjoy ‘yung buong experience ng pelikula at the same they can pick-up life lessons. I don’t want to go into details pero for sure maraming matutunan ang manonood,”kuwento ni Khalil.

At si Paolo: “Expect (expectation) sa buong movie kasi barkada movie ito, so makikita na may kanya-kanyang trip, personalities, fun na ginagawa ng isang barkada, mga kalokohan. So ‘yan ang i-expect nila, and of course, life-lessons lalo na sa mga mahilig gumala.”

“I’m so excited with this project, it’s gonna fun working with this guys,” say naman ni Nick na pinakabago sa grupo.

Si Nick ay galing sa London at nagtapos ng information technology course sa kilalang eskuwelahan doon, pero sinubukan niyang mag-showbiz dahil enjoy siya.

“May plan B naman po, if ever na hindi ako mag-succeed dito (showbiz), I can always go back to London, dual citizenship naman po ako, British and Filipino,” say ni Nick.

Samantala, plano ni Direk Dondon na makapag-shoot sila ngayong Disyembre, maski apat na araw, sa Benguet at resume sila sa Enero 2019.

Sa nasabing storycon ay nag-look test na rin ang lima at pati mga damit nila ay may kanya-kanyang istilo na tiyak na ikatutuwa ng supporters ng bawat isa.

Hindi naman nakapunta sa storycon sina Dominic Roque, Kira Balinger, Patrick Sugui, at Roxanne Barcelo.

-Reggee Bonoan