AAWAYIN na naman si Rhian Ramos ng fans nina JM de Guzman at Barbie Imperial makaraang mag-sorry ang aktor sa co-star niya sa Kung Paano Siya Nawala dahil sa pamba-bash dito ng mga fans nila ni Barbie.

JM at Rhian

Nabasa sigurado ni JM ang masasamang sinasabi ng fans nila kay Rhian, at sa hiya ng aktor ay siya mismo ang nag-sorry sa dalaga.

“Tol. Salamat sa malupit na journey na makatrabaho ka. Sa pagkakaibigan na ipinakita mo, at pagiging totoo salamat nang marami. All I have for you is respect at malasakit at alam ko ganun ka rin sa ‘kin.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Salamat nakatrabaho kita. Salamat sa talent at inspirasyon. Tibay mo... salamat sa tulong. Stay strong, alam ko medyo masakit na. I’m Sorry. Ingat lagi kaibigan. apir @whianwamos,” post ni JM for Rhian.

Sagot ni Rhian: “M, I always appreciate how you always come out of pain stronger, smarter, and better. Don’t ever lose that about you. But if you ever need an extra push, you know I’ll be there for you. It ain’t easy, but thank you for the friendship and thank you for this. Flex em.”

Malinaw sa convo nina JM at Rhian na friends lang sila, kaya wala naman palang dapat pagselosan ang fans nina JM at Barbie.

Hindi ba natutuwa ang fans na may nadagdag na kaibigan si JM, na puwedeng makapareha muli ng aktor sa pelikula o sa iba pang projects?

-NITZ MIRALLES