Los Baños, Laguna -- Papangunahan ni reigning Pattaya, Thailand under 12 over-all champion Gio Troy Ventura ng Dasmariñas City, Cavite ang mga paboritong kalahok sa pagtulak ng sportsman Caesar P. Perez Kiddie Rapid Chess Tournament sa Disyembre 1, 2018 na gaganapin sa Activity Center Area, New Municipal Building, Los Baños, Laguna.

Ang 11 years old Ventura, grade 6 student ng Francisco E. Barzaga Memorial School, Dasmariñas City, Cavite ang pinaboborang magwawagi sa event na ito an punong abala ay si Los Baños, Laguna mayor Caesar P. Perez dahil na din sa kanyang latest performance.

Ating magugunita na si Ventura, isa sa top player nina Dasmariñas City, Cavite mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. at national coach International Master Roel Abelgas ay mas mataas na 47.5 tie break points kontra sa 46.5 ni Arena International Master (AIM) Bhattacherjee Aayush ng India para makopo ang titulo sa Under 12 division ng Thailand Pattaya Youth Chess Championship 2018 na ginanap sa Pattaya, Thailand nitong Oktubre.

Mag call o text kina Municipal Sports Coordinator June Luna sa 09175119887 at councilor Michael Concio sa 09263560058 para sa dagdag detalye

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?