SISIMULAN ng University of Perpetual Help System Dalta ang pagdepensa sa men’s division title sa pakikipagtuos sa San Beda College sa pagsisimula ng 94th NCAA volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Sa pangunguna ni rookie MVP Joebert Almodiel, nadomina ng Altas ang elimination round sa nakalipas na season bago napalaban ng husto sa Arellano Chiefs sa best-of-three series tungo sa ika-11 titulo sa liga.

Nanaig din ang Junior Altas laban sa Letran Squires para sa ika-10 titulo sa junior division.

Muli, inaasahang mangunguna si Almodiel sa laban ng Las PInas-based spikers matapos ang pagtatapos nina Warren Catipay, Rey Taneo at Jack Kalingking.

Pinakamatandang 'Olympic champion,' pumanaw sa edad na 103

Makakasama niya sa kampanya ang mga beteranong sina Ridzuan Muhali, Cocoy Ramos, Rnniel Rosales, Gilbert Balmores at rookies EJ Casana, Aljoe Sereno, Louie Ramirez, John Rick Baggayan, Awie Abdullah at John Christian Enarciso.

“We will do our best to preserve the winning tradition of Perpetual Help,” pahayag ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar.

Sa women’s action, haharapin ng reigning champion Arellano U ang JRU ganap na 12:00 ng tanghali kasunod ang duwelo ng Perpetual Help at San Beda sa 4:00 ng hapon.

Ayon kay Paul Supan ng Jose Rizal University, lider ng volleyball’s organizing group, si JRU president Dr. Vince Fabella ang magsasagawa ng welcome remarks sa opening ceremony kasama ang mga national women’s volleyball team member na sina Shaq delos Santos, Abi Marano at Mika Reyes.

“We expect an exciting tournament,” sambit ni Supan