NATUPAD na ang isa pang pangarap ni Maymay Entrata.

Instant na natanggap ng Kapamilya actress ang top model status, dahil sa pagrampa niya sa katatapos lamang na Arab Fashion Week 2018 sa Dubai.

Si Maymay, 21, ang unang Pinay na nakarampa sa nasabing event.

Siya ay personal na inimbitahan ng Furne One, kasama ang fashion PR na si Josh Yugen, para maging muse ng Amato Couture para sa Pre- Fall 2019 collection nito. Binihisan na ng internationally renowned Filipino fashion designer ang ilang international superstars, gaya nina Beyonce, Ariana Grande, Britney Spears, Jennifer Lopez, Katy Perry at Nicki Minaj.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ilang larawan ni Maymay ang nakapost ng account ng Star Magic at Instagram account ni Josh, kung saan lutang ang kagandahan ni Maymay sa suot niyang gray cocktail dress na may feather details, na sinundan ng isang full-length gown ng kaparehas na kulay.

Mula nang tanghaling grand winner ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7, ay inihayag na ni Maymay ang kanyang pangarap na maging isang international model.

Nagsimula ang Arab Fashion Week noong Nov. 21 at tatagal hanggang Nov. 28 sa City Walk and Dubai Design District.

-REGINA MAE PARUNGAO