Samuel’ palabas ng Philippine area of responsibility (PAR), isa pang bagyo ang posibleng pumasok at makaapekto sa bansa ngayong weekend.

Binawi na kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang lahat ng storm warning signals sa bansa, dahil inaasahang lalabas na sa PAR ang Samuel nitong Huwebes ng gabi.

Bandang tanghali kahapon, tinaya ng PAGASA ang lokasyon ng Samuel sa 240 kilometro sa kanluran-hilagang-kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan, o sa may West Philippine Sea.

Bahagya itong lumakas sa taglay na hangin na nasa 55 kilometers per hour (kph) at bugsong 65 kph.

National

Heydarian, happy sa 'immense progress' at latest HDI score ng Mindanao

Samantalang, lumakas pa kahapon ang isa pang sama ng panahon na namataan ng PAGASA sa silangang Mindanao.

May international name na ‘Man-yi’, namataan kahapon ang bagong sama ng panahon sa 1,715 kilometro sa silangan ng Mindanao o malapit sa hilagang Marianas.

Sinabi ni Benison Estareja, weather specialist ng PAGASA, na posibleng pumasok sa PAR ang Man-yi sa Linggo o sa Lunes, at tatawagin itong ‘Tomas’.

Sa ngayon, wala pang direktang epekto sa bansa ang Man-yi, na hindi rin inaasahang magla-landfall.

-Ellalyn De Vera-Ruiz