MATAPOS mabigong maipagtangol ang korona sa 7th annual J&P 10-Ball Cup Championships na sinuportahan ni Navigator Japan CEO Ryotaro Horiuchi, target ni Engr. Vergel Recaido na makasungkit ng panibagong titulo sa pagtatapos ng taon.

Liyamado si Recaido, presidente rin ng Copper Electronics Expertise Inc., sa pagsargo ng Makati Pool Players Association (MAPPA) 10-Ball Christmas Tournament sa Nobyembre 29 saAMF-Puyat Superbowl sa Makati Cinema Square, Makati City.

Magsisimula ang aksiyon ganap na 10:00 ng umaga.

“ I hope to do well in this event,” sambit ni Recaido.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kabilang sa mga mahigpit na makakalaban ni Recaido sa titulo na may total pot prize na P32,000 ay sina Elite Class champion Charles Tanasas, Advanced Class champion Michael Lu, Ronnie Gonzales, Leslie Mapugay , Jesse Gonzales Cambosa Sr., Michael Sison at Anthony Capco