Ni GENALYN D. KABILING

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary General Falconi Millar dahil umano sa kurapsiyon.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Sa pagsibak kay Millar, sinabi ngayong Huwebes ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi kailanman kukunsintihin ng Presidente ang kurapsiyon sa pamahalaan.

“There are no sacred cows in the Administration, especially in its drive against corruption. As the President said, he will not tolerate even a whiff of corruption in the Executive Branch of Government,” sabi ni Panelo.

“The Palace is announcing the termination of services of Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary-General Falconi V. Millar due to allegations of corruption. The President’s order takes effect immediately,” inihayag ni Panelo ngayong araw.

Tiniyak naman ng Malacañang na hindi maaapektuhan ng pagsibak kay Millar ang mga proyekto at serbisyo ng HUDCC, partikular ang rehabilitasyon sa Marawi City, Lanao del Sur.

“We assure the public that the delivery of public services shall unimpededly continue, especially in rehabilitating Marawi City and other affected areas,” ani Panelo.