BUMIDA ang Gepnits at Obra Maestra sa harap nang nagbubunying crowd at nangungunang horse trainers sa bansa sa pag-arangkada ng 2018 Philippine Racing Commission (Philracom) Juvenile Stakes Races nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Tumataginting na P1.2 milyon mula sa kabuuang premyo na P2M ang napasakamay ng Edgar Salvador-owned Gepnits nang gulantagin ang mga karibal sa third leg ng Philracom Juvenile Colts Stakes Race. Nakuha naman ni Augusto de Jesus ang P70,000 premyo bilang top breeders.

Naghabol sa kalagitnaan ng karera, sumirit ang Gepnits sa ratsadahan para makasingit sa Iron Hook at Big Boss James sa kalagitnaan ng 1,400-meter race

"Hindi naman po naging problema ang slow start, kasi kalkulado ko nga po 'yung kabayo. Tsaka alam ko naman po na handang-handa po siya sa karerang 'to," pahayag ni jockey RG Fernandez.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Sumegunda ang Cinderella King (pagmamay-ari) ni Jacqueline Patricia Michelle Velasco, jockey CP Henson) tangan ang P450,000, premyo kasunod ang Barayong (Cipriano Sison Jr, KB Abobo) at Turns Gold (Joseph Dyhengco, JB Bacaycay).

Hindi nagpahuli ang Obra Maestra – pinakabata sa grupo – tungo sa matikas na panalo sa 2018 Philracom Juvenile Fillies Stakes crown under her belt.

Naging maayos ang ugnayan ng Obra Maestra at jockey JB Guce.

Pangalawa na dumating ang Mood Swing (owner SC Stockfarm, jockey JA Guce) para sa P500,000 for the runner-up finish, while Full of Grace (Alfredo Santos, CP Henson) clinched third place sa halagang P250,000 ant Mona's Mark (Raymund Puyat, JB Hernandez) sa presyong P100,000.

Ang iba pang mga nanalo sa karera ay ang Philippine Race Horse Trainers Association Inc. Team Performance Makati City- PRHTAI Trophy Race, Agent Zarto sa Philracom-PRHTAI (Division II) Trophy Race, Kita Muna sa FR Sevilla Industrial and Development Corp.-PRHTAI Trophy Race, Master Maker sa JS Rabano Construction at Supply-PRHTAI Trophy Race, War Dancer sa Fundador- PRHTAI Trophy Race, Icon ng Manila Horsepower Org.-PRHTAI Trophy Race, Easy to Win sa PRHTAI 7th Annual Racing Festival Trophy Race t Cannonball ng PCSO-PRHTAI (Division II) Trophy Race.

Samantala, kaabang-abang ang nakalinyang ‘high roller’ na Grand Sprint Championship sa Dec. 2, Chairman's Cup, Philtobo Racing Event at 2nd 3YO Open Challenge Series sa Dec. 16, gayundin ang Juvenile Championship, KDJM Racing Event at 3rd leg ng 3YO Open Challenge Series on Dec. 31.