BILANG magkaibigan s a i n d u s t r i y a , nagbigay ng suporta ang It’s Showtime host na si Vice Ganda kay Coco Martin, na siyang bida sa seryeng Ang Probinsyano, k a u g n a y n g sunud-sunod na pambabatikos ng Philippine National P o l i c e ( P N P ) s a umano’y unfair at masamang pagsasalarawan sa imahe ng mga pulisya.

Vice

Sa panayam kay Vice sa Market, Market, aniya:

“Alam mo, madaling-madali lang ‘yun (para kay Coco) kasi unang una marami ang sumusuporta kay Coco at sa ‘Ang Probinsyano’. Mahal na mahal ng buong Pilipinas.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ayon pa kay Vice, dahil sa rami ng mga nagmamahal kay Coco, naniniwala rin siya na malalagpasan ni Coco ang mga ibinabatong batikos.

“Kapit na kapit lahat ng bahay sa ‘Ang Probinsyano’, kaya ang dami nilang sandalan, andami nilang kakampi diyan,” ani Vice.

Naniniwala rin si Vice na maganda ang hangarin ng Ang Probinsyano.

“Malinis ang intensyon ng ‘Ang Probinsyano’ kaya matatapos at matatapos ang problemang ‘yan nang madali lang,” pahayag pa ni Vice.

In fairness, nakadagdag puntos ang word war sa pagitan nina PNP Chief Oscar Albayalde at Coco dahil mas lalong naging curious ang tao na panoorin ang pinag-uusapang seryeng Ang Probinsyano.

-ADOR SALUTA