DAVAO CITY – Malaki ang posibilidad na matuloy bago matapos ang Nobyembre ang pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Duterte, National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Senior Adviser Luis Jalandoni at NDFP Peace Panel Chairman Fidel Agcaoili.

Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza matapos niyang kumpirmahin na inaayos na nila ang nasabing pagpupulong, kasunod ng pagpapahayag nina Jalandoni at Agcaoili ng intensiyon na makipag-usap sa Pangulo.

“There are preparations that are being made but I am not liberty to disclose,” sabi ni Dureza.

Siniguro naman ng opisyal na hindi aarestuhin ang dalawang NDFP official sakaling bumalik sa bansa, dahil wala naman umanong warrants of arrest laban sa dalawa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I have checked, Luis Jalandoni has no outstanding warrant neither does Fidel Agcaoili. So they will not be arrested, unless they violate the law when they come here,” sinabi ni Dureza sa mga mamamahayag na dumalo sa forum sa Davao City.

Sinabi pa ni Dureza na hindi gagalawin ng mga awtoridad ang dalawang opisyal ng NDFP kapag pumayag nang makipagpulong sa kanila si Duterte.

“Kung pupunta man sila at pumayag ang Presidente, I’m sure they will not be harmed or touched at all. And I’m sure sina Luis at si Fidel will not come also kapag tingin nila na delikado, eh,” dagdag pa ni Dureza.

-Zea Capistrano